Head on!!!

Monday, November 19, 2007

Ang Huling Alas


Alas Pagkatapos ng lahat ng pangyayari sa eskwela, dumating na araw ng paghuhukom, Final Encoding of Grades na at sa araw na iyon tatlo ang quiz ni Buknoy. Nawala sa loob nya na ganon karami ang mga pagsusulit na dapat nyang kunin. Sa pagkakaktaong iyon isa lang ang kanyang napag-aralan sa ganoong kadahilanan, isa lang din ang kanyang naipasa. Kinausap ni Buknoy ang isa sa kanyang mga prof. na kanyang kinompronta noong nakaraang mga araw. "Ma'm, ito na po ang listahan ng aking mga kagrupo," ika ni buknoy. "Nagpasa na ba kayo ngproj." bangit ng guro na wari'y daig pa nag tigre sa pandididlat ng mga mata. "Ndi pa po ma'm, pwede ko bang ipasa ito mamayang alas kwatro," pagsusumamo ni Buknoy sa kanyang maestra. "hindi pwede, bagsak ka na!" mariing pagtanggi ng propesor ni Buknoy habang naglalakad patunggong faculty. malungkot na paalis na si Buknoy ng biglang dumating ang isa sa kanyang mga kagrupo. "Ma'm, pwede po bang magpasa ng project mamaya?" sabi ng lider nila buknoy. Walang anu-ano'y biglang nag-iba nag ang pag-iisip ng propesor na wari mo'y hinipan ng hangin. "sige" tugon ng prof sabay alis. Pagkalipas ng ilang mga oras, naipasa na nga ng grupo ni Buknoy ang nasabing proyekto sa kanilang guro. At mga ilang sandali pa animo'y mga langgam na isa-isang naglalabasan sa kani-kanilang mga silid ang mga propesor patungo sa encoding machine. Nakita iyon ni buknoy at sinabi sa sarili na "yari na ako," nasa kamay na ng mga prof ang huling alas. Ang Alas ay maitutugma sa laro ng baraha. ito ang piinakamataas na halaga sa larong pusoy, kumbaga sa mahika, nasa mga propesor na ang kapangyarihang magbagsak at magpasa ng estudyante. Laking kaba sa dibdib ang nadama ni Buknoy habang ginagawa ang grades. Naglalaro sa munting isaipan ng estudyante ang posibilidad na bumagsak at pumasa. "Pano ang isa kong subject, galit na galit pa naman sa akin si ma'm" ika ni Buknoy ng may panghihina ng loob at muling yumuko at nag-isip. "Wala sa kanila ang huling alas, nasa akin ang huling alas" bulong ni Buknoy sa kanyang sarili at dali-daling pumunta ng chapel si Buknoy at nagsimulang magdasal.

Krel_rasta "Panginoon,"ika ni Buknoy.

"Buong kababaang loob po akong nagsusumamo sa inyong kapangyarihan."

"Tulungan nyo po akong malampasan ang pagsubok na ibinigay nyo sa akin"

"Bigyan nyo po ako ng lakas ng loob na tanggapin ang plano nyo sa buhay ko"

"Panginoon, ang kalooban nyo po ang masusunod hindi ang sa akin"

"Mangyari na po ang dapat mangyari ayon sa inyong kagustuhan"

"itinataas ko po sa inyo ang lahat"

"Panginoon, kayo po ang aking Huling Alas"

Pagkatapos ng matinding pagdarasal, ani mo'y mga munting patak ng ulan ang mga luhang dumaloy sa mga mata ni Buknoy. Pagkatapos nito lumabas na ng simbahan si Buknoy ng batiin siya ng kanyang kamag-aral ng mga katagang "Congrats" Gagraduate ka na!!!

No comments: