Head on!!!

Monday, November 19, 2007

Ang "Kodigo"

Kasagsagan ng mga pagsusulit at mraming pinapasa at pinapagawa sa skwela. Mga nasa alas dose na ng tangghali ng magkakaroon ng exam sa isang silid aralan. si Buknoy isang mag-aaral sa isang unibersidad sa may kahabaan ng taft. Naghahanda na siya sa isang quiz na magaganap. "Anjan na si Prof." sabi ng isang kamag-aral ni Buknoy. pumasok ang prof at nagbigay na ng pagsusulit sa klase. itong si Buknoy ay nakalimutan itabi ng maayos ang isang kopya ng kanyang notes sa subject na iyon. naglalakad ang prof ng makakita ng mga papel na nakapatong sa itaas ng mga gamit ni Buknoy. "Ano to?" tanong ng prof nya. "Ma'm ung "xerox" po", sagot ni Buknoy. binasa ng prof. ang nilalaman ng "XeroX". kinuha ng prof ang papel at kopya ng notes ni Buknoy at sinabing "lumabas ka na!". Dala ng pagkagulat, mabilis na binangit ni Buknoy " Mam di po ako lalabas", Di ko po ginawa ang binibintang nyo sa akin. natapos ang klase na di pinapansin ng prof ang pagsusumamo ni Buknoy. Ng lumabas ng pinto ang prof nilapitan agad ito ni Buknoy at sinabing "Ma'm pasensya na po kayo sa mga nasabi ko sa rum." di tumitinggin ang prof at galit na sinabing "kausapin mo ang chairperson at ang dean!." Malungkot na umalis si Buknoy at nakayukong naglalakad habang papunta sa opisina ng Chairperson. pumasok ng opisina si Buknoy ng makitang mabalis na lumabas ang kanyang prof mula sa kwarto ng chairperson kasama ng isa pang prof. "Pwede po bang makausap ang chairperson," bangit ni Buknoy sa isa sa mga SA (student assistant). "Mam may kaka usap raw po sa inyong estudyante," sabi ng SA sa chairperson na tila di mapakali sa dami ng ginagawang trabaho. "Ay marami akong ginagawa" sabi ng chairperson na nagmamadaling tapusin ang mga papeles na nakapatong sa itaas ng kanyang desk. "Kausapin mo nalang ulit ang prof mo, tapos na kami nag-usap". sambit ng chairperson na nagsimula ulit bumalik sa kanyang trabaho. Lumabas sa kwarto ng chairperson si Buknoy na mabigat ang loob at hinihintay ang prof na nagkaklase pa sa kabilang kwarto. pumatak ang alas dos ng maglabasan sa klase ang mga estudyante. Di mawaring pumasok si Buknoy at ang isa pa niyang kaibigan sa loob ng klasrum na may kaba sa dibdib. "ma'm," bigkas ni buknoy na tila gusto ng tumakas sa mga pangyayari. nagesplika si Buknoy sa mga totoong nangyari sa loob ng silid-aralan habang tumutulong ang ksama na kaibigan sa pagklaro ng mga pangyayari. di pinakinggan ng prof ang pagsusumamo ni buknoy at sinabing "Just make a 5-paged penalty stating, i promise not to cheat anymore". mariing kinlaro ni Buknoy na "paginawa ko po yan mam ibig sabihin po ba niyan an inaamin ko ang kasaklanan na di ko ginawa?" pasigaw na sinabi ng prof "ano nga bang ginawa mo diba nangodigo ka, ito nga at pareho ang sagot mo sa nakaharap sa iyo na pahina ng kopya mong notes!" buong katotohanan na sinabi ni Buknoy sa prof nya na "mam di ko po magagawa ang inuutos nyo sa akin, hindi po tlaga ako nangodigo." "Ah ganon pla, singko ka na!" sigaw ng prof at mabilis na umalis ang prof sa rum. Naiwan si buknoy na malungkot at malinis na konsensya lamang ang hawak laban sa mga binibintang ng kanyang prof.

0 comments: