Head on!!!

Monday, November 19, 2007

Kanang Pulang Mata


Akalain mo ba namang muntik nang di makadalo sa graduation itong si Buknoy 5653687621sa dahilang pulang-pula ang kanyang kanang mata at sa sobrang hapdi noon ay kahit manlang idilat ay di niya magawa. Alas onse ang call time sa PICC (ang lugar na pagdarausan ng graduation) at nakaratay pa ang gagraduate na estudyante, pano nanngaling sa hayuk na inom kagabi at sobrang hapo ang kanyang mga mata at di na niya natanngal ang kanyang kontak lens. Alas dos na siya nakauwi kagabi kasama ang mga kaibigan galing sa inom. Dumating na ang kanyang mga magulang at sinabi "Buknoy, gising na graduation mo na di ba?" "opo," ika ni Buknoy, "pero sobrang sakit ng aking mata", muling bangit ni Buknoy habang pabaling-baling sa kanyang kama. Laking galit ang namumuo sa dibdib ni Buknoy sa dahilang ang daming pasakit at pahirap ang kanyang tinamo upang makarating sa ganoong punto sa kanyang buhay, ang gumraduate tapos hindi siya makakadalo. Halos naibunton ni Buknoy ang lahat ng galit sa kanyang bag habang paulit-ulit na sinusultok iyon. "Maghulos dili ka anak," banggit ng kanyang ina habang pinipigilan si Buknoy. Pinaupo sa isang tabi ng silid ang kanyang anak at dahan-dahang ipinagdasal siya. Habang nagaganap ang mga pangyayayri, na isip ni Buknoy ang tila isang imposibleng mirakulo na dinanas ng isang bulag na nakakita sa Galileo, sa pamamagitan ng paghawak ng kamay ni Hesus sa mga mata nito. At gaya nga non, na isip niyang, hindi iyon imposibleng mangyari sa akin. Umakyat na ang kapatid ni Buknoy dala ang gamot para sa mata at marahang pinatakan ang kanyang mata. At muli pang humiga si Buknoy upang hayaang dumaloy ang gamot sa kanyang mata. "Tara na, malalate na tayo" sabi ng ina ni Buknoy, at habang papunta sa lugar na pagdarausan ng pangyayari ay unti-unting naididilat na ni Buknoy ang kanyang mata, bagamat namumula pa ito. At nakarating na nga sila sa PICC, at doon tuluyang na ngang nabuksan ni Buknoy ang mga mata at sinabi sa sarili "meron pa ngang mirakulong nangyayari sa mundo ngayon kahit gaano man natin itango, kahit gaano kabilis ang takbo ng mundo, ang kaylangan lang nating gawin any maniwala." "Ito ang aking pulang mata na nagpapaalala sa araw ng aking graduation," iyon ang paulit-ulit na binabanggit ni Buknoy habang paakyat ng stage.

No comments: