Head on!!!

Monday, November 19, 2007

Mga Bagang Namulat


may isang bagang dumadaloy sa isang sanggol

sa panahon pa lamang ng kayang pagkamulat ito'y sumisibol


mga bagang tila di mapapansin... di makikita ng isang karaniwan


ngunit ito'y nadarama pag ika'y nakikinig... nagiisip


lumipas ang mga araw, munting baga namamatay... nanghihina

pinahuhupa ng mga kaalamang taliwas at saliwa


dinaraan sa pagnakaw ng kaalaman at paghuhugas sa katotohanan

mga tao'y nagsasabi na munting baga'y isang salot... mga panggulo sa lipunan


dala ng kamangmangan, ang kaalaman ay tuluyang naglaho


kasama rin ng pagkitil sa mga bagang tumatayo


mula pa sa panahon ni Macros hanngang kay GeMA daan-daan ang tinapos

pinapaslang ... binubuwag sa paraang marahas

munting baga'y lalong nagtago, binalot ng kaba at takot


ngunit ang baga ay may nakilalang nilalang na makapangyarihan

kapangyarihang kayang bumasag ng mga trono ng haring matayog


nakilala't unti-unting naging kaibigan


munting baga'y lumakas, nagkaroon ng tigas ng kalooban

itong baga'y unti-unting tumayo... sumigla

walamang karanasan, ang nilalang at munting pag-asa ang kayang naging sandigan

di man kayang sumalpok sa buwayang mabangis...


wari'y sandatang hangin ang kanyang binitbit


kagaya ng isang propetang binigyan ng misyon


isinasambit sa sangkatauhan ang nagaganap... nangyayari...


kaya habang sariwa pa ang diwa sa lupang ipinangako

wag sanang kalimutan ang bawat luha at dugong ipinako


kawangis ng isang manggang unti-unting nahihinog sa panahon

at sa loob natin padaluyin ang mga baga'y unti-unting pamulatin...

No comments: