Sa abot ng aking naalala ito ang mga nangyari sa nakaraang tatlong linggo, marahil ay di ko na nalagay ng exato ang lahat ng detalye. Sa simula ng pagtungtong ko sa lupa ng Liyang sa may dakong Pilar, Bataan. Hindi ko manlang naramdaman na nasa ibang lugar ako marahil ay dahil sa Bataan din ako nakatira at sinamahan pa ng malakapatid na turinggan ng magkakasama sa bahay, sina Andoy, Da-le, Georgia, warden, Boy Higs, Joel, AGL, Pilo, Pau, Father bro, Erwin, Bro. Vear, Byongski, ian, at Meky,. Ito ang mga taong nakasama ko sa loob ng tatlong linggo, Sa unang araw ng pagpipinta mukha yatang napasabak sa matinding kuskos sa bawat pader, sulok, at gilid ng chapel. Bawat pawis, sugat at hangin na dumadaloy sa bawat isang kasama ay di ininda at wala manlang isang reklamo o tutol na narining ang bawat isa. Bawat pagod at hirap ay nilaan sa Dakilang Lumikha.Pagdating ng pangalawang Araw doon. Dumating na ang mga brush, rolers at mga gamit pangpinta. Un na siguro ang hudyat na simula na ng pagpipinta. Sinimulan na ang pagpinta. Bawat pahid ng brush sa dingding at pasada ng roler ay nagtatalsikan ang pintura sa iba't ibang bahagi ng katawan, isa sa mga natalsikan ay ang aking tsinelas. Dumating ang panahon na kinailangan nang akyatin ang matayog na tore at sinimulan na ni Buknoy ang pagsaka. Animo'y baston ng mykapal lamang ang kanyang pinanghahawakan na sandingan.
Natapos ang unang Linggo ng pagpipinta at pagsapit ng unang araw ng ikalawang linggo dunating na ang mga batang tutulong sa mga magkakasama. Sa una, para bang mga pasaway na bata ang bumungad sa amin. Kanya kanya silang alis, upo, kwento at takas. Pero dahan-dahan, habang unti- unti namin silang nagiging kaibigan, habang kami ay nagtatawanan at naguusap, animo'y munting lanngam na nagkakanya-kanya ay dahan-dahang nagsasama-sama. Ang trabaho na matagal ay biglang bumilis. Di ko rin malilimutan ang bawat oras ng paglamon. Ang pagkain na kahit anong hitsura ay nagmistulang isang lechon na nkahanda sa hapag kainan. Kahit puro pintura, dumi, at pawis ang kamay, walang iniindang dumi, patuloy pa rin sa paglamon. kahit buto na lamang, payuloy pa rin sa pagsimot. Sino bang makakalimot sa basketball championship na daig pa ang NBA sa pag-asam na manalo. Bawat bato, agaw, pasa at rebound ay lubha kong kinasiya at bawat siko, palo at suntok ay balewala sa bawat isa.
Dumating ang ikatlong Linggo at natapos na din ang pitong Chapel na noon ay mukhang bahay ng kalapati sa dungis at ng mapinturahan na ay mukha na ngang Chapel. At sa huling Linggo namin sa Liyang doon na nga namin sinimulan ang retreat. Ang mga estudyante na may pagkawild ay unti-unti nag napapatayo at sila na rin ang nagrerequest na sumayaw at umindak. Sila na rin, ang nagbubukas sa kwentuhan at mga patawa. dumating na nga ang araw ng graduation at parang gusto pa ng mga bata na tumagal pa sila sa sobrang saya at samahan na nadarama. At paghatid na sa kani- kanilang sasakyan at halos maubos ang buhok ni Buknoy sa sabunot at haplos na ginawa ng mga bata. At ang masasayang ala-ala nila Andoy na tila isang songbird sa hilig kumanta, si Da-le na El Kapitan sa galing sa pagcommand, Si Georgia na isang natural na komedyante, si Warden na mgaling na drayber at lider, si Boy Higs na nakaraos sa pagiging higad, si Joel na tahimik at makulit na kaibigan, si AGL na isang tunay na servant, si Pilo na isang batang natutong maging isang mature na lalaki,si Pau na isang masipag at magaling na pintor at gitarista, si Father bro na nagsimula nang pumasok sa seminaryo, Si Erwin na patuloy na nagiimprove sa pagorganisa, si bro. Vear na may pambihirang lakas at kabaitan, si Byongski na isang magaling na financer at cook, si Ian na isang tahimik pero isa palng marunong at masayahin na tao, si Meky na isang magaling na musikero at tagaturo at ang mga bata na sila, John Carlo, Jay Mar, patrick, john paul, richard, jay, angelito, jojo, arturo, robert, diomedes, jomar, archi, anthony, oscar, jomar II, marvin, aljon, alvin, rocky, herbert, carlito, christopher, rene, jc, johnly, rommel, jc, leonard, at tetet. sila ang mga taong humubog sa aking pagkataon at sa bilis ng panahon di ko manlang namalayan na tapos na ang tatlong masasaya at nakakapagod na linggo at habang ginagamit ko tsinekas na may tulo ng pintura ay sumisimbolo sa lubos na kasiyahan na naibigay ng Panginoon...








0 comments:
Post a Comment